Play pause rewind
Sumisinghap singhap
Sa alikabok nakabaon
Mulit muliy nabubuhay
alaala ng kahapon
Mga matay di matitinag
Di nagsisinungaling
Bagamat magkaiba ng dahilan
Pabalik balik bumabaling
Sa dapit hapon
Dibdib koy kumakabog
Ang araw ay muling lilipas
Habol, pusong sumasabog
Naway di mo matitimo
Hangad lamang ay sulyap
Na sa sandaling ako at ikaw ay tayo
Muling mabuhay sa pagsinghap
Salamat sayo
Luhang iipunin sa garapon
Panaghoy at muling pagtibok
Ngayoy muling babalik sa kahapon